Wednesday, September 3, 2014

Wikang Filipino, Wika ng Pagkakaisa


          Jose Protacio Mercado y Alonzo Realonda, pero mas kilala bilang si Dr. Jose Rizal. Siya ang isa sa mga pinakahinahangaan kong bayani at makata. Nakatatak na sa bawat Pilipino ang pahayag na "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda.," na galing mismo kay Dr. Rizal. Bakit nga ba sadyang napakahalaga ng Wikang Filipino lalo na sa ating mga Pilipino? Paano nga ba makakatulong ang Wikang Filipino sa ating pagakakaisa?

          Namulat na mula pagkabata na ng Wikang Filipino ang wikang pambansa at ginagamit saan man tayo mapadpad sa Pilipinas, 'national language' ika nga. Ginagamit ito upang magkaintindihan ang mga tao na gamit sa iba't-ibang lupalop ng bansa. Sa maikling salita, ito ay nagsisilbing susi sa pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino. Maging sa kasaysayan din ay naging malaking parte na rin ang Wikang Filipino sa mga Pilipino. Nagawang ipaglaban ng ating mga bayani ang ating wika laban sa mga dayuhan, kaya naman naging maayos at nagkaisa ang mga Pilipino.

          Madali lang namang intindihin ang tunay na kahalagahan ng wika. Ito ang pinakamahalagang sangkap ng pagkakaisa kaya naman dapat natin itong mahalin at pagyamanin. Dahil unang una, kung wala itong wika natin, hindi natin makakamtan ang tinatamasa natin ngayon. Ating mahalin at ipagmalaki ang Wikang Filipino, na siya ring wika ng pagkakaisa.

No comments:

Post a Comment